show (syow) 1: gawâ o halimbawa ng pagpapakíta 2: palabas1 3: hungkag na anyo 4: paglabas ng dugo at iba pang likido sa puke
show (syow) 1: lumitaw o makíta 2: ihandog, itanghal, o likhain ang isang bagay para masuri 3: ipamalas o ipadamá, gaya ang tuwa o poot
show business (syow bís•nes) : panteatrong propesyon; propesyon na may kinalaman sa pelikula, telebisyon, at katulad
variety show (va•ráy•ti show) : palabas na nang-aaliw, maraming bahagi, at binubuo ng magkakahiwalay na pagtatanghal gaya sa pagkanta, pagsayaw, munting dula, o katulad
show of hands (syow ov hands) : pagtataas ng mga kamay upang isaad ang pagboto para sa, o laban sa, isang panig, karaniwan nang walang pagbibiláng